Feb 18, 2010
echas lang...

Ilang buwan mula ngayon, aapak na ako sa aking ika dalawampu at limang taon ng aking buhay. Buhay na puno ng pag-aalinlangan, puno ng sakripisyo, ng pagkakasakit, ng pagkakaibigan, ng pagunawa at pagmamahal. Sa loob ng mga taong iyon, alam kong sa maliit na paraan ay nagampanan ko ang pagiging mabuting kapatid, mabuting kaibigan at mabuting anak. Naging pasaway man ako, alam kong sa pagkapasaway ko’y napasaya at napangiti ko ang mga taong nakapaligid sa akin.

 

Ilang lingo mula ngayon, aapak ako sa panibagong yugto ng aking buhay. Yugtong alam kong magpapabago ng lubusan sa aking buhay. Ilang lingo mula ngayon, darating ang isang nilalang na aking huhubugin ang kanyang pagkatao. Isang nilalang na alam kong magpapatatag sa aking pagkatao, paghuhugutan ko ng lakas ng loob sa pagharap sa mga hamong darating at mga pagsubok na ibibigay sa akin ng Panginoon. Sa pagdating ng nilalang na ito, alam kong mabubuo na ang aking pagkatao. Nawa’y aking makayananat malampasan nag mga pagsubok na darating, nawa’y magampanan ko ng mabuti ang responsibilidad na iaatang sa aking mga balikat ilang lingo mula ngayon.

 

Panginoon, Kayo na po ang bahala sa akin.

 

 


Posted at 07:03 pm by bag_0_ong
Comments (2)  

Nov 17, 2009
Ang Halimuyak ng Dama de Noche

Ang Dama de Noche ang isa sa mga paborito kong bulaklak,…hindi siya kagandahan kung iyong pagmamasdan ngunit taglay nito ang halimuyak na na walang kapantay..halimuyak na sumisingasing pagsapit lamang ng dilim…ang sabi ng aking Ina, ang Dama de Noche daw ay tanim ng Inang Maria kaya may kakaiba itong halimuyak…

 

Maihahambing natin ang halamang ito sa isang nilalang na walang taglay na pisikal na kagandahan kundi taglay nito ang walang kapantay na kagandahan at kalinisan ng kalooban.

 

Madalas tayo’y napaapngiti sa mga bagay na maswerteng pinagkaloob sa atin na wala sa iyong kapwa. Halimbawa’y ang pisikal na kagandahan. Kung mas nakakalamang ka sa iyong kapwa’y, napapangiti ka na minsan iyo pang pagtatawanan. Ngunit naisip mo ba ang iyong sarili na nasa kanyang kalagayan? Naisip mo na ba kung ano ang iyong mararamdaman kung ikaw ang kanilang pagtatawanan?

Sa bawat ngiting iyong binbitawan sa mga pagkutya sa iyong kapwang iyong nalalamangan, sana’y iyong maisip na bawat nilalang ay may kanya-kanyang kagandahang pinagkaloob ng Maykapal, kagandahang wala sa iyo na lingid sa iyong kaalaman ay mas kapaki-pakinabnag kaysa sa taglay mong kagandahan. Iyo sanang isa-isip na ang kapintasang iyong pinagtatawanan ay kagandahang hinahangaan ng nakararami.

 

May mga nilalang na animo’y isang Dama de Noche, ngunit isa lamang palang huwad na Dama..sapagkat ang halimuyak na kanyang naidudulot mabango man kung un among maamoy, kalauna’y nagdudulot ng hapdi sa iyong kalooban..hapding hindi mo malaman kung paano mapapawi…nilalang na walang ibang alam gawin kundi ang ika’y hilahin pababa sa iyong kinaroroonan matapos mong ibigay ang tiwalang para lamang sa isang kaibigan…

 


Posted at 06:28 pm by bag_0_ong
Make a comment  

Nov 16, 2009
Ang Pagdatin gng bagong umaga...

Ilang buwan mula ngayon, ang buhay ko’y magbabago. Pagbabagong dulot ng isang nilalang na alam kong magiging pundasyon ng aking pagkatao. Isang nilalang na naka-atang sa aking mga balikat ang magiging pagkato nito. Isang nilalang na alam kong siyang bubuo sa akin bilang isang anak..isang kapatid..isang kaibigan..at higit sa lahat bubuo sa aking pagkatao bilang isang babae…aking nasilayan ang nilalaag na ito ilang araw na ang nakaraan.sa pamamagitan ng modernong kagamitan, ..pagsilay na nagdulot ng kaligayahang hindi mapantayan..kaligayahang hindi ko alam kung ito ba’y may kapalit na maitinding kalungkutan..ngunit aking hinihiling sa Maykapal, na ako’y kanyang gabayan…gabayan sa panibagong yugto ng aking buhay. Bagong yugto na huhubog sa pagkatao ng dalawang nilalang….isang nilalang na hinubog na ng panahon ang pagkatao na siya ring huhubog at huhulma sa nilalang na darating sa kanyang buhay ilang buwan mula ngayon….

 

Sa bawat galaw at tibok ng kanyang puso’y ligaya ang dulot sa pusong nasasaktan. Sa bawat paggalaw  nagpapasilay ng ngiti sa mga labing uhaw.

Sa bawat paggalaw at pagtibok ng puso’y pag-asa ang hatid sa nilalang na nawawalan na ng ganang mabuhay sa mundong kanyang ginagalawan. Sa bawat buntong hiningang lumalabas, galaw na nagdudulot ng pagasa ng panibagong bukas ang hatid ng munting nilalang na balang araw ay magpupuno ng pagmamahal at bubuo sa aking pagkatao.

 

Ilang buwan mula ngayon, mabubuo na ang aking araw pagkat siya na ang unang unang aking masisilayan..mababantayan ang bawat pagkibot ng mga labi..ang bawat paghalakhak at pagluha..akin nang makakapiling sa bawat yugto ng aking buhay ang nilalang na bigay sa akin ng Maykapal…


Posted at 09:39 pm by bag_0_ong
Make a comment  

Oct 26, 2009
pagsubok...

Madalas naiisip natin at naitatanong natin sa Maykapal kung bakit sa dinami-rami ng nilalang sa tin pa nangyari ang isang kaganapang di natin matanggap. Hindi natin iniisip na kailanma’y hindi Niya tayo bibigyan ng isang pagsubok na hindi natin kakayaning dalhin…kinakailangan lang anting magtiwala sa Kanya na lahat ng pangyayring nagaagnap sa ating buhay ay isang kaganapang siyang magpapatatag sa atin sa pagharap sa mga hamong darating pa sa ting buhay.

 

Sa ngayon, ay humaharap ako sa isang pagsubok na alam kong siyang magpapatatag sa akin bilang isang nilalang..bilang isang anak..isangkapatid..isang kaibigan..at bilang isang babae…Isang pagsubok na hindi ko alam kung aking kakayanin na ito’y payabungin..ngunit alam kong ako’y nasa ilalim ng Kanyang pangangalaga..ng Kanyang pagkalinga….kailangan ko lamang ang tiwala na ito’y aking malalampasan..

 

Panginoon, tulungan Niyo po ako sa pagharap sa hamon na Inyo pong iniatang sa aking pangangalaga..Tulungan Niyo po akong lampas an ang mga hamong kaakibat ng pagsubok na ito..Gabayn Niyo po ako sa lahat ng aking gagawin na siya pong magpapayabong sa aking pagkatao….Amen..

 


Posted at 08:21 pm by bag_0_ong
Make a comment  

Oct 22, 2009
Ang hagupit ni Inang Kalikasan..

 

Matinding hagupit ang inabot nating mga Pinoy particular ang mga nakatira sa lalwigan ng Rizal, Bulacan, Metro Manila at Southern Luzon mula sa bagsik ni AK Ondoy.

 

Napakarami ng nasawi, araw-araw nadadagdagan ang mga bilang ng mga bangkay na natatagpuang mga nakasabit na samga puniong kahoy o kung saan pa mang parte ng kamaynilaan dulot ng matinding pagbaha at mga pagguho ng lupa lalao nas a Rizal. Maging sa negosyo, hindi lamang sa Metro Manila ang matinding naperwisyo ni Ka Ondoy, subalit maging ang mga karatig lalwigan nito.

 

Hindi inaasahan ng mga tao ang pagdating ng ganitong klaseng sakuna. Biglaan ang pagtaas ng tubig baha kaya walang aisalbang mga gamit ang mga taong naperwisyo ng bagyo.

 

Bakit nga ba bigla ang mga pangyayari? Nakakagulata ang mga pangyayaring naganap sa atin nitong nagdaang lingo. Maraming mga sasakyan ang naablahaw sa gitna ng kalye dahil hini na madaanan ang mga ito bunga ng lampas bewang na tubig baha. Maging ang mga manggagawa, mag-aaral, negosyante at maging ang mga pangakaraniwang tao ay hindi nakaalsi kaagad sa kanilang kinaroroonan dahil na rin sa panganib na posibleng idulot sa kanila kung sakaling lalandasin nila ang daan pauwi sa gitna ng rumaragsang tubig baha.

 

Sumunod ang kalamidad na hated ni bagyong Pepeng na nagdulot din ng amtinding pagbaha at pagguho ng lupa sa hilagang Luzon na ikinasawi ng daan-daang mamamayan…

 

Ngayo’y nanganganib na naman ang mga kapwa natin mga taga hilagang Luzon sa paghagupit ng paparating na abgyong Ramil, na hindi pa man dumadapo sa kalupaa’y nasa ikatlong antas na ang taglay nitong lakas ng hangin….

 

Hindi kaya ang isang matinding dahilan ng malawakang matinding kalamidad na ating anarnasan kamakailan ay ang kawalan ng disiplina at kawalan ng pagmamahal natin sa ating kapaligiran? Hindi kaya dahil sa kawalan ng mga bundok at mga punong siyang sisipsip sa mga tubig ulan ang isa ring dahilan? Mga nawalang bundok at mga puno dulot ng mga gahamang mga negosyante na wala ng ibang inisip kundi ang magpatayo at magpatayo ng mga subdibisyon na kanilang kinakalabo at pinapatag ang mga kabundukan?

 

Ang mabagal na pagbaba ng tubig baha ay ang mga baradong mga daluyan ng tubig dulot ng mga basurang ating nililikha. Mga basurang basta na lang itinatapon sa kung saan. Kung sana’y marunong tayong magmalasakit sa mga likhang biyaya sa atin ng ating Mahal na Panginoon, kung sana’y may kahit katiting tayong pagmamahal sa Inang Kalikasan, disin sana’y hindi natin ito mararanasan. Huwag na nating abusuhin pa ang ating Inang Kalikasan dahil pag siya ang gumanti, tiyak na kalunus-lunos na pangyyari ang ating masasaksihan.

 

GISING NA JUAN DELA CRUZ!!!


Posted at 07:38 pm by bag_0_ong
Make a comment  

Jun 11, 2009
DISIPLINA:KAUNLARAN

ang kaunlaran ng isang bansa, ay makakamtan sa pagtutulungan ng mamamayan...

tayong mga Pinoy, kilalang kilala na sa buong mundo dahil sa mga kinasasangkutan nitong mga intriga....mapa boxing, mapa mang-aawit, o dili kaya'y mapa pulitika..sa dumi ng ating gobyerno sa ngayon, tanging ang kinakapitan na lang nating mga Pinoy ay ang pag-asa sa nasa Itaas na Siyang may likha ng buhay sa mundong ito....ngunit wag sana nating abusuhin ang buhay na handog....

ang  pamilya, ang pinakamaliit na banghay ng lipunan, ang siyang pinagmumulan ng lahat...sana sa loob ng pamilya pa lang ay atin nnang ituro sa mga nakababata sa atin ang tunay na disiplina..disiplina na siyang ugat ng kaunlaran...wag na natin iasa pa sa gobyerno ang kaunlaran natin.....ito'y sa kadahilanang tayo'y mabibigo po lamang..dahil kahit anong kayod ng ating gobyerno sa pagpapaunlad kung may mga humihila dito pababa, walang patutunguhan ang ating bayan....DISIPLINA ng bawat mamayan ang kailangan..pag may disiplina, sigurado akong may KAUNLARAN...paano nga naman uunlad ang ating bansa kung simpleng laituntunin lamang sa lansangan ay di natin kayang sundin?na nakalathala pa mandin sa ting sariling wika...sa isang kulay rosas na pintura at napakalaking paalala....

o ayan..isang napaka simpleng alituntunin lamang po niyan....nukha pa mandin silang mga may pinag aralan..ngunit ano ang ginagawa nila?isang malaking KAGAGUHAN!sa katamarang umakyat sa tawiran, ayan at nakikipagpatintero sa mga sasakyan..paano ba naman, kahit mga traffic enforcers po aksi ay nasusuhulan....tsk..tsk..tsk..tsk..mga kababayan, gumising po tayo!!wag lang po nating laging sisihin ang ating gobyerno kahit isa po itong napakaruming gobyerno, tungkulin po anting mga mamamayan ang tumulong...napaka payak po niyan...

WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY!!

Posted at 06:07 am by bag_0_ong
Make a comment  

Jun 3, 2009
CON-ASS-WANG

haaaayz...nagulat at ako'y natawa sa aking napanood sa telebisyon nang makita ko ang mga senado na may dala-dalang kuwintas na bawang...pangontra daw sa con-ass-wang...haaay..ano na nga ba ang ngyayari sa ating bansa?wala nang matinong pangyayari ngayon....mapa senado o mapa kongreso....wala na atang pag-asa ang ating bansa upang ito ay muling lumutang sa pagkakalubog nito sa kahihiyan at sa utang...

kagabi katext ko ang isang kaibigan..kagabi lamang kami nakapag usap nga ganun kaseryoso patungkol sa ating bansa....ang kanyang tanong, ano ang aking magagawa sa pagbangon ng muli ng ating bansa sa pagkakalugmok nito....ano nga ba ang aking magagawa?ang sabi ko ng pabiro, kung ako ang magiging pangulo, lilinisin ko ang gobyerno...at ang sabi niya ay malabo iyon..dahil pag nasa harap mo na ang tukso ay mahihirapan ka ng iwasan ito..ang tinutukoy niyang tukso ay ang salapi...ang korupsiyon....dahil ang isang pulitikong walang pera ay hindi tatangkilikin ng masa....saan ka nga naman kukuha ng milyon milyong salapi para sa mga masang Pinoy kung hindi sa kaban ng bayan?ngunit atin pong ihalimbawa si Senator Trillanes...isang matapang at may paninidigang sundalo..isang huwaram...hindi natakot ibulgar ang mga katiwaliang kanyang nakita...nakakulong siya ngunit tingnan niyo..nanalo pa din siya s apagka senador....ngunit ang kaawa awang senador..ni hindi siya pinaupo man lang sa kanyang dapat na upuan sa senado..sana nitong nalalapit na eleksiyon ay may isnag liwanag na magbubukas sa ating senador...isnag liwanag na magbabalik sa kanyang mga karapatan....isnag liwanag na magigigng mitsa ng pagbabago..pagbabago tungo sa ikauunlad ng ating bansa.....tama na ang paghahari ng administrasyong arroyo.....nakakasuka na ang kanyang mga gawain...

bayan..isnag pagbabago ang kailangan natin..maging matalino sana tayo sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa ating mahal na Pinas..





Posted at 08:03 pm by bag_0_ong
Make a comment  

May 31, 2009
HALILI-KHO

sa pinakahuling mga intriga ngayon, ang sex scandal ng actress na si Ktarina Halili at Dr. Hayden Kho, ay natabunan na namang ang ilang isyung pampulitikal..pano ba naman, ang mga senador nakisawsaw na sa intriga, upang sila ay mapag usapan....nalalap[it na aksi ang eleksiyon, at ang nagsusulong nito na si Ginoong Bong Revilla ay amtunog ang pangalan sa mga tatakbong panaglaawang pangulo ng bansa..siyempre awtomatiko nang si Katrina ang kukunin nitong mag eendorso sa kanya sa nalalpit na halalan.....huwag sana nating ituon ang ating atensiyon sa mga naglalabasang mga video di uamno ng walang hiyang lintek na manyak na Dr. na yan...naturiangan pa mandin siyang edukado...isa na namang EDUKADONG WALANG PINAG ARALAN ang nailadlad sa publiko ang kahihiyan....kung hindi ba anmn siya baliw, bakit niya nanaisin na gawin ang isang di kaaya ayang gawain?gawain ba iyon ng isang may mataas na pinag aralang tao na kagaya niya?napanood ko na ang ilan sa kanyang mga video at tunay nga namang nakakapanaglibot, nakakasukang panoorin..pero dahil sa kuryusidad, isa ako s amga nanood ng nasabing mga video...

isa lamang sana ang pakiusap ko sa mga senador, pagtuunan niyo naman po sana ng pansin ang mas dapt na bigayng pansin na suliranin ng ating bansa at huwag ang nasabing kontrobersiya..may mag ahensiya naman po ang ating bansa para sa mga ganyang kaso...haaya buhay nga naman oo....

ay siyanga pala, malaki laki na naman ang kicback ng mag pulitilokng ewan sa aming lalawigan sa norte...biruin niyo naman, ke ayos ayos ng kalsada, pinabakbak para ayusin daw...ung isang parte na talaga namng lubak lubak na aba at iyon, pinababayaan....sa may Baguio anmn pagsabayain ba naman ang LOAKAN ROAD AT ANG KENNON ROAD NA AYUSIN?e di ayun, ang resulta, buhul-buhol an trapiko sa kabundukan...nakuw!!Ewan ko sa inyo!!kung sana noong pag upo ninyo ay sinimulan niyo na ang royektong iyon e di sana hindi kami mag iisip ng hindi maganda....ayan at kaliwaan na naman nag korupsiyon sa ating pamahalaan, kaliwaan ang bank robbery, gasolinahan man o taxi, kaliwaan ang kidnapan ang akyat bahay gang...para maakaipon sila ng pantustos sa gagamtiin nila sa halalan....hindi ba kayo napapagdo s amga kablabalng pinag gagawa ninyo?mahiya namn kayo s amga mamamayan ng bansa natin an nagkakandahirap sa paghahanap buahy na kelaki ng nakakaltas na buwis...buwisit na buwis yan..napupunta lang sa bulsa ng mga kawatan!!!

sana maging matalino tayo sa pagpili ng mga uupo sa gobyerno upang pamahalaan nag ating mahal na Pinas....

kailangn ng PAGBABAGO!!PAGBABAGO TUNGO SA KAUNLARAN!!!

Posted at 06:29 pm by bag_0_ong
Make a comment  

May 18, 2009
BUHAY SAUDI

…nais ko po sanang ibahagi sa inyo aking mga mambabasa(sus!!meron nga ba?) ang isnag kaisipang naisulat ng isang kaibigan na ngayo'y isang inhinyero sa gitnang silangan.....salamat kaibigang erat sa pagbahagi ng iyong kwento....

 

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas, kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

 

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

 

Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Kasama pa diyan ang magpadala ka ng bagahe na inipon mo sa loob ng labing-isang buwan at kung minsan kailangan dagdagan na utang pa para lang mapagbigyan pati na ang kapit-bahay.

 

Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Saudi kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!

 

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa Saudi lalong dumarami.

Akala nila masarap sa Saudi di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.

 

Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!

 

Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!

 

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!

Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Saudi maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng Saptco o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa saudi .. madami mga pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka arabo na taxi driver na rapist pa!

 

Akala nila masarap ang buhay dito sa saudi . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho,terminated ka gagawan ka ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag kasama mo ang syota mo pero madami pading matatalinong matsing ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal, ah letse mga imoral!!

 

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Redsand, hidden valley, faisaliah mall, riyadh zoo, corniche, obhur at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture bawal kasi basta basta kumuha ng picture dito makukulong ka.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero
riyal din ang gastos mo sa saudi. Ibig sabihin ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas SAR3.00 sa Saudi , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
Saudi SAR 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .

 

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa saab,samba o Riyadh bank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!

 

Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Saudi wala kang outlet ng stress mo !kasi madaming bawal!!! .Hindi ibig sabihin riyal na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

 

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang  buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?

Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.

Hangga’t may pinay DH at PINOY na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.

 

Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!


Posted at 05:49 pm by bag_0_ong
Comment (1)  

May 17, 2009
(HR 1109) Haka-Haka

ito lang po ang alam kong gawin upang ipakita ang suporta sa mga MAGDALO...ang ipabasa sa inyo ang kanilang mga haka-haka tungkol sa ating gobyerno..oo kaibigan..isa ako sa mga naniniwala sa pinaglalaban ng grupong ito...

HR 1109 was passed 2 days before Congress adjournment ahead of other more important bills and then "shelved" because there is "no more time" to amend the Constitution. Why then pass a "useless bill" in such haste and without proper "celebration”?
Meanwhile, Atty Oliver Lozano, erstwhile weak impeachment complainant against GMA, filed a petition at the Supreme Court to nullify HR 1109 for being inimical to public interest. This pushes the Supreme Court to decide whether the House's move is Constitutional or not granting the Senate is non-participant. It was the Senators' opinion that so long as they disregard the House's moves, the Supreme Court will not be involved as there will not be any petition or case to decide on. Lozano's move changed that.

So what can happen now?

The House converts itself into a Con-ass when session resumes in July. By then the Supreme Court has decided that the House can do so even without the Senate's participation. Amid protests from the Senators and the public, the ammending of the Constitution proceeds. Protests becomes widespread and violent, economy falters. GMA digs in with her Generals and declares a state of emergency. Senators, worried about their political survival, jump the fence and join Con-ass. The amended Constitution converts government into parliamentary form with term extended for all elected officials for a smooth transition. Such is presented to the people in a plebescite which the majority readily approves. With almost a non-existent opposition in the "new" parliament, GMA becomes President and Prime Minister without any term limits.

*haka-haka po iyan ng ng sundalo na miyembro ng PMA CALSS OF 1996.....


Posted at 07:06 pm by bag_0_ong
Make a comment  

Next Page


bag_0_ong
January 1st 1985  (Age 28)
Female
Quezon City
Technorati Profile

Bayan Ko Tagalog - Freddie Aguilar Music Code
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

(Repeat CHORUS)
   

<< May 2013 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31

 Ã
si bag_0_ong ay naisilang kamakailan lamang...ang kanyang mga panulat ay base sa mga tunay na karanasan at pangyayari sa ating kapaligiran...marahil iisipin niyong walang kabuluhan ang aking mga panulat...karapatan mong tumawa o laitin...bahala ka..kung saan ka masaya susuportahan kita..kung mataas ang iyong IQ gaya ko may mapupulot kang aral o leksiyon sa kaing mga panulat...maliban na lamang kung hindi..pagtatawanan mo lng talga ito...

gumawa ka ng sarili mong sulatin
Add to Technorati Favorites Site Meter

Sign by Danasoft - For Backgrounds and Layouts


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed